Ano na lang 'yung 'sang sandali na makatikim ng pagmamahal
Matapos ang luhang ipinagpalit?
Ang sandali, 'di naman magtagal, ang yakap mo'y hahanap-hanapin
Akala ko ang mundo na ay akin, ngunit hindi pala ganyan
Kay bilis makalimutan na minsan ang minahal ay ako
Ano na lang 'yung kaunting pasakit kung katumbas ay pagmamahal?
Pag-ibig mo ay aking langit, kahit buhay ko ay handang isugal
Ang himig mo'y aking aawitin habang ako'y kakailanganin
At kung ako'y iyong saktan, ito ma'y gagawing dahilan
'Pagkat minsan ang minahal ay ako
Ang lingap mo ay hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin
At kung ako ay malimutan, kahit sa awit ko man lamang
Iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan na minsan ang minahal ay ako

No comments:
Post a Comment