Monday, March 11, 2013

Voice-over scripts for KaJoyfulness News 2nd episode (by February or March)

e-mail: kajoyfulnesstvdavao@gmail.com

for Edison Bandilla:

REPORT # 1: ISANG KUTING, NAHULOG-PATAY
Nitong Disyembre 8, 2012, nakuhanan ng KaJoyfulness News team ang isang kuting na lumabas mula sa isang butas sa bahay ng KaJoyfulnessTV talent na si Christopher Caputolan.

Makikita sa video na lumabas mula sa isang butas, sa isang gilid ng nasabing bahay, at ilang saglit lang ay biglang nahulog ang nasabing kuting.

Nagulat ang ilang mga bisita sa bahay at ang mga nakasaksi sa nasabing insidente. Sinubukan itong makabangon ang kuting, pero sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot ng buhay.

Pinapayuhan namin ang lahat ng mga KaJoyfulnesses, na kung may alagang kuting o tuta, dapat ilagay sa ligtas na lugar ng inyong pamamahay o ipasok sa isang kulungan, para hindi na hayaang makatakas o mahulog ang inyong alaga.

Nagmumula sa KaJoyfulnessTV Manila, kasama si Carlo Doller Pablico, para sa KaJoyfulnessNEWS, ako po si Edison Bandilla, nag-uulat.


REPORT # 2: KC RYAN SAYON-DACIO, NANGANAK NA
Kinumpirma nina Arlyn Tonzo at Citi Catucag na nanganak ang kanilang katrabaho na si KC Ryan Sayon-Dacio, ilang araw bago matapos ang 2012.

Ayon kina Catucag at Tonzo nang makapanayam ng KaJoyfulness News team, lalaki ang naging baby ni Sayon, at hindi pa sigurado kung ilang buwan ang sanggol nito mula nang ipinanganak.

Nagagalak ang mga katrabaho nito sa NCCC Mall Davao dahil sa panganganak ni Sayon nitong Disyembre ng taong 2012. Matatandaang si Sayon ay nabuntis nitong Agosto ng 2012, nang madatnan ng news team, na kahit nagdadalang-tao ito ay walang tigil sa pagtatrabaho.

Matatandaan ding nalito na rin ang mga kasamahan sa trabaho, kabilang sina Charity Jane Momo, Lucy Nauha, Marivic Cabactulan at Madelyn Pardillo, dahil ayaw sabihin ni Sayon tungkol sa kanyang panganganak.

Nagmumula sa KaJoyfulnessTV Manila, kasama si Carlo Doller Pablico, para sa KaJoyfulnessNEWS, ako po si Edison Bandilla, nag-uulat.


REPORT # 3: WORLD NEWS - MGA THAI ACTORS AT ACTRESSES, NAGSAGAWA NG AUTOGRAPH SIGNING PARA SA 2013 CALENDAR NG MGA TV NETWORKS

Nagsagawa ang mga leading TV networks sa Thailand, para sa kani-kanilang autograph signing para sa kalendaryo ng 2013.

Sa Thai TV Channel 3, naroon ang mga leading actors at actresses ng network, maging sa ilang mga news anchors/personalities at hosts ng nasabing network ay hindi nagpahuli sa autograph signing, kabilang na rito ang iilan sa mga personalidad ng CH3 na sina P'Earn-Panraphee Raphiphan, leading Thai actors na sina Mario Maurer, Nadech Kugimiya; at ang mga aktres na sina Chompoo Araya, Yaya Urassaya, Janie Thienposuwan, Ploy Chermarn atbp.

Samantalang sa Channel 7, pareho din ang naging eksena, sa halos 'di na mabilang ang mga tao na pumila para sa autograph ng mga artista para sa kalendaryo ng TV network. Isa na rito ay ang aktres ng CH7 at dating Miss Earth-Water 2010 na si Eiam-Watsaphorn Wattanakoon.

Ang mga nasabing kalendaryo ng iilang TV networks sa Thailand ay ipinamimigay sa mga tagahanga at sa mga tao na nanggaling sa iba't-ibang lugar at mga karatig-probinsya ng Thailand, pero limitado lamang ang mga kopya ng mga nasabing kalendaryo.

Nagmumula sa KaJoyfulnessTV Manila, kasama si Carlo Doller Pablico, para sa KaJoyfulnessNEWS, ako po si Edison Bandilla, nag-uulat.

for Ramil Espina:

REPORT # 1: MIKE TEST, NAGSIMULA NA

Nagsimula ang bagong programang "Mike Test" kasama si Michael Doller, na iprinodyus ng KaJoyfulnessTV Entertainment Group at ng Studio Gwapings Davao News and Comedy Affairs.

Sa naging pilot episode, naghatid si Michael ng mga jokes, punchlines at pick-up lines na mapapakiliti at mapapatawa para sa lahat ng mga KaJoyfulnesses at KaGwapings, saan man sila sa mundo.

Mapapanood ang Mike Test kasama si Michael Doller, sa KaJoyfulnessTV Davao. Ang programang ito ay ika-apat sa mga programang iprinodyus ng Studio Gwapings Davao.

Nagmumula sa KaJoyfulnessTV Manila, para sa KaJoyfulnessNEWS, ito po si Ramil Espina, nagbabalita.


REPORT # 2: WORLD NEWS - BBTV-7 THAILAND, NAG-ADAPT NA NG SIGN LANGUAGE PARA SA MGA NEWSCASTS

Sa kaunaunahang pagkakataon ay gumagamit ngayon ang BBTV-7 ng Thailand ng sign language interpreters para sa mga bingi sa mga newscast nito.

Noong Enero 2, 2013 ay nailunsad nila sa kanilang noontime at primetime newscast ng network ang kanilang sign language interpretation service.

Pero hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ang isang Thai TV network ng sign language. Maging ang government-owned na Thai Public Broadcasting Service ay nagamit na rin ang sign language para maunawaan ng mga hearing-impared ang mga ibinabalita nila sa telebisyon.

Nagmumula sa KaJoyfulnessTV Manila, para sa KaJoyfulnessNEWS, ito po si Ramil Espina, nagbabalita.


for Gabby Hernandez:

REPORT: ISANG BABAENG ESTUDYANTE, WALANG TIGIL SA PAGBIRIT
Nitong Nobyembre 18, 2012, nadatnan ng KaJoyfulnessNEWS team ang isang babaeng estudyante na walang tigil sa pagbirit sa isang mall sa Ilustre, Davao City. Sa inyong makikita, kasama ang isang kaibigang lalaki, kumanta si Michelle Daculos, taga T-C-F-I, ng mga bago't pamilyar ng mga kanta sa videoke ng nasabing mall, gaya ng "Broken Vow" ni Lara Fabian at ng kontrobersyal na kanta na "Pusong Bato".

Makikita ang mga nasabing kanta sa programang "Musika sa Tanan" ng KaJoyfulnessTV Davao. Samantala, sa mga gustong magpadala ng mga sariling versions at renditions ng mga kantang popular, mapa-acapella, acoustic, instrumental at iba pa, maari n'yong i-post ang mga sariling song versions sa Facebook page ng KaJoyfulnessTV, o ipadala sa mga e-mail addresses na: kajoyfulnesstvdavao@yahoo.com.ph o sa kajoyfulnesstvdavao@gmail.com.

Nagmumula sa KaJoyfulnessTV Manila, para sa KaJoyfulnessNEWS, ito po si Gabby Hernandez, nagbabalita.

No comments:

Post a Comment