Friday, April 19, 2013

Lipad ng Pangarap (KaJoyfulnessTV Manila and Davao Anthem)

Taglay mo sa bagwis ng iyong paghayo
Ang pangako ng walang hanggang bukas
Pabaon man sa iyo'y hapdi ng puso
Aabutin ang pangarap

At ang bunga ng wagas mong pagsisikap
Pag-unlad nitong bayang nililiyag~
Kapalit ng dalamhati't pag-hihirap
Pag-angat ng kabuhayang marilag...

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi

Tutularan ka ng sunod na salin-lahi
Kapuri-puringapg aalay ng lakas
Pagpupugay sa makabagong bayani
Ang buong bansa’y nagpapasalamat

Liparin mo ang hangganan ng langit
Sa ulap ng pag-asa’y iyong makakamit
Ang tagumpay na bunga ng iyong pagpupunyagi
Pangarap ng inang bayang tinatangi

Ingatan mo ang lipad ng pangarap
Umaasa sa iyo ang bayan mong naghihintay
Na kamtin mo sa dulo nga lahat ng iyong pagpapagal
Ang tamis na dulo't ng iyong tagumpay…
Ang tamis na dulo't ng iyong… tagumpay
Ang tamis na dulo't ng iyong… tagumpay

2 comments:

  1. MGA EKSENANG BABALIK-BALIKAN SA LOOB NA APAT NA (DAVAO)/ISANG (MANILA) TAON

    Sa bawat tawanan, sa bawat tingin, sa bawat ngiting nadarama, sa bawat halakhak, sa bawat laban ng buhay, sa bawat luhang pumapatak, sa bawat kuwento ng inspirasyon at kalungkutan, sa bawat dasal na aming naringgan, naiiba na ang ating naranasang buhay.

    Dahil sa paniniwala namin
    para sa katarungan at katapatan sa ngalan ng kabutihan at katapangan ay lalong patuloy kaming tumatag sa panata namin para sa pagkakaibigan at sa marami pang pagsubok na pagdaraanan.

    Mananatili pa rin ang aming samahan hanggang sa huli dahil ang katohananan lamang kailanman ang siyang mananaig.

    Ito ang tunay na panata ng KaJoyfulness para sa habambuhay.

    Saan Man, Kailanman, KaJoyfulness Tayong Lahat!

    ReplyDelete
  2. THE UNFORGETTABLE SCENES AND MEMORIES FOR THE PAST FOUR YEARS (DAVAO)/A YEAR (MANILA)

    In every laughter, in every sight, in every smile that felt, in every happiness, in every fight of life, in every tears that shed, in every story that is inspirational and emotional, in every prayer that we heard, our experienced life felt so different.

    Because of our only belief for justice and honesty in the name of kindness and braveness are still going strong with our vow for our friendship and for many more challenges to conquer.

    And our only friendship will still remain forever until the end, because only the truth forevermore shall always prevail.

    This is the true promise of the KaJoyfulness for forevermore.

    Saan Man, Kailanman, KaJoyfulness Tayong Lahat!

    ReplyDelete