Friday, September 20, 2013

Panatang Makabayan (Patriotic Oath)

Old Version

Ating bigkasin ang "Panatang Makabayan" bilang sagisag ng pagkakaisa ng kaunlaran tungo sa pagbabago ng ating Bansa:

Ang Panatang Makabayan, Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan, Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako ay kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at nang buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.

New Version

Bilang tanda ng ating pagka-Pilipino, ating bigkasin ang "Panatang Makabayan":

Iniibig ko ang Pilipinas, aking lupang sinilangan, tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang maging malakas, masipag, at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.

Isabuhay natin ang pagiging Makabayang Pilipino, sa isip, sa salita at sa gawa.

No comments:

Post a Comment