Tuesday, September 11, 2012

KAJOYFULNESS NEWS DAVAO - VOICE-OVER SCRIPTS (WRITTEN BY CARLO FOR REPORTERS)

e-mail: sgtcarlopablico2008@gmail.com

VOICE SCRIPT FOR RAMIL ESPINA:

#1:
Nahagilap na ng KaJoyfulness News team si Glenn Cañones nang makausap ito via cellphone noong Agosto ng taon na ito.

Ayon kay Glenn Cañones, abala siya sa pagtatrabaho niya sa isang internetan sa Davao City, at wala pa itong free time para mag-taping sa kanyang home network.

Kamakailan lamang, si Glenn ang nangakong mag-free time siya kapag ililibre niya at isasama si Kuya Carlo Doller Pablico sa isang fastfood chain sa Davao.

Si Glenn Cañones ay naging kabilang sa KaJoyfulnessTV noong 2009 bilang isang host/talent para sa Glenn-Joke, na lalong pinatibay at pinatawa kasama ang mga co-hosts na sina Toto Mondejar at Kuya Carlo Doller Pablico.

Para sa KaJoyfulness News, ito si Ramil Espina, nagbabalita, Davao City

#2:
Nagdiriwang ng ika-labinpitong kaarawan ang boss ng KaJoyfulnessTV, at reporter na si Kuya Carlo Doller Pablico nitong Agosto 30 sa kanilang bahay sa Bangkal, Davao City.

Ang mga bisita nila, ay ang Toto Brothers na sina Leonido at Romulo Mondejar, Toto-Totoo host Toto Mondejar at ang kanyang asawa na si Rhea Lusigro-Mondejar kasama ang kanilang anak na si Jiah.

Hindi nagpahuli sa kulitan ang Toto Brothers sa preparasyon ng kanilang pagkanta ng Happy Birthday versions.

Matapos ang kantahan, nagsimula na ang party sa simpleng kainan sa bahay, 'di gaya noong nakaraang taon.
Naghanda lamang nito ng fruit salad, chicken, pasta at macaroni.

Samantalang sa Facebook, marami na ang nag-greet ng Happy Birthday nitong araw na iyon, kabilang sina Trezha Riego o DJ Maja Rotcha ng 107.5 Win Radio, Loremie Cadiatan o DJ Alex Gee ng 88.3 EnergyFM Davao, Maribel Lanticse ng Sonshine TV Davao, at ang Thai friend niyang si Kuk Jamphaphaeng. Maging ang KaJoyfulnessTV Manila ay hindi na rin nagpahuli sa pagbati, kabilang ang inyong lingkod, Mhyco Tang, Gabby Hernandez, Anjho Ezekiel Reyes at iba pa.

Matatandaang noong nakaraang taon ay nagkaroon din ng Birthday Party sa nasabing bahay, at ang mga naging bisita, sina Shirly Sombilon, Teresa, Rhea Lusigro-Mondejar at Toto Mondejar.

Para sa KaJoyfulness News, ito si Ramil Espina, nagbabalita, Davao City

VOICE SCRIPT FOR GABBY HERNANDEZ:

#1:
Inaantabayanan ang mga KaJoyfulnesses sa Davao at Manila ang mga bagong programa ng KaJoyfulnessTV, na ipapalabas sa mga susunod pang buwan.

Kabilang na rito ay ang mga bagong travel shows na "Trip Galore: Mindanao" at "Trip na sa Pinas".

Meron na ring local version ng Glenn-Joke News Break sa Manila, kasama ang mga pinagpipitagang mga talents ng KaJoyfulnessTV sa Manila. Inaabangan din ng mga manonood ang pagpapalabas ng natatanging hoaxes surveillance show sa online world, ang BISTO!: Bantay ng Internetlandia.

Samantala, magkakaroon na rin ng expansion ng KaJoyfulnessTV at QS KC, para sa international audience.

Para sa KaJoyfulness News, Gabby Hernandez, nagbabalita, Manila.

#2:
Kinumpirma ng KaJoyfulness talent Charity Jane Momo na buntis si KC Ryan Sayon habang nagtatrabaho sa NCCC Mall Davao, at malapit na rin itong manganak sa takdang panahon.

Nalilito na rin si Charity Jane, matapos ayaw sabihin ni Sayon kung kailan ito manganganak, lalong-lalo na kung ano ang magiging kasarian ng kanilang baby.

Si KC Ryan Sayon ay ika-apat sa mga nai-ulat na buntis, ayon sa pinakahuling listahan ng KaJoyfulness News team. Kabilang sa mga napabalitang buntis sina Ivy Purisima Momo, Rhea Lusigro-Mondejar at Shirly Sombilon.

Para sa KaJoyfulness News, Gabby Hernandez, nagbabalita, Manila.

VOICE SCRIPT FOR YMMAN JAKE BIACO:

Eksklusibong nakunan ng KaJoyfulness News team ang isang mahalagang birthday party nitong Hulyo 25, sa isang bahay sa Bangkal, Davao City.

Nagdiwang ng ika-pitong kaarawan si "Jared" Caputolan kasama ang mga kaibigan at kapitbahay, sa simple ngunit espesyal na birthday.

Bago pa nagsimula ang nasabing party, tumawag ang inang si Christie Caputolan, para batiin ito ng "Happy Birthday".
Ang iilan sa bisitang bat na nandun ay sina Genji Brylle Flores, Justin Doller, "Lalai" at "Loyd", pati ang mga kapitbahay na sina February Heart Molato at Hazel Flores. Nagtagal lamang ng halos isang oras ang nasabing birthday party.

Para sa KaJoyfulness News, Ymman Jake Biaco, nagbabalita, Manila.

VOICE SCRIPT FOR CARL HAROÉ:

Huling-huli sa video na nakunan ng surveillance camera, ang mga batang may dalang sumpak sa isang bahay sa Bangkal, Davao City.

Makikita sa surveillance camera, ang mga batang inaakalang naglalaro sila sa loob ng bahay. 'Yun pala, tinututukan ng sumpak sa kisame ng nasabing bahay. Sumigaw pa ng isang bata na nasa taas, na hindi tumama ang tinatamaang target.

Hinihikayat ng news team na kausapin ang mga magulang ng mga batang ipinakita sa balitang ito, pero sa kasamaang palad ay hindi naabutan ng kanilang magulang o kaanak ng mga nasabing bata.

Paalala sa lahat ng mga magulang at kabataan: laging alerto at huwag basta-basta na lamang pabayaan ang mga bata na naglalaro ng marahas, pati na ang mga gumagawa ng mga seryosong kalokohan.

Mula sa QC Patrol, Carl Haroé, nag-uulat para sa KaJoyfulness News, Cagayan de Oro.

No comments:

Post a Comment